Wala Akong Pera


If you don't believe in yourself, who will?


Wala Akong Pera (Mindset Edition)

Sounds Familiar?

Ilang beses mo na nabigo ang sarili mo dahil sa "wala akong pera?"
Ilang beses ka ng di nakasama sa mga lakaran dahil sa "wala akong pera?"
Ilang beses kana nag pass up sa mga opportunities dahil sa "wala akong pera?"

Maraming beses naba? 

Pag tinanong kaba ngayon, ang sagot padin ba e "...wala akong pera?"
Kaya isipin mo, bakit patatagalin pa kung di naman pala maganda? 
Kung matagal ka ng walang pera. At madalas kapading walang pera, dapat magsawa kana. 

Dapat sawa kana. 

Kung oo, let's battle WAP (Wala Akong Pera) head on!
Pano ba natin malalampasan si WAP? Di sya madali, pero hindi din sya imposible. Di rin sya mawawala ng tuluyan. Babalik at babalik din sya parang alipunga sa paa (unless nag Canesten cream kana o kaya Fissan) Pero, again, hindi sya imposible. Mas para sayo daw ang isang bagay pag wala ka nito. 

So, Let's start with the most important aspect - yourself.

PALAGING MERONG PARAAN
Oooops, alam ko na. Kasi wala kang ganito, wala ka kasing ganyan. Mahirap lang kami, wala akong pang gastos, hindi ko kaya etc etc yada yada. Yan yung mga unang umandar sa utak mo no? See, negativity agad. Di ka pa nga nakaka hakbang, pagod kana? Alam ko din na madali ito sabihin pero dude, (day, tol, repa, papi, manang,manay,friend, beh etc) Alam kong hindi mo ayaw, pero hindi rin sapat ang gusto mo lang. Gawan mo din dapat ng paraan. 

KAPIT SA MATATAG

Tandaan mo lang lagi na may langit sa itaas. May mga taong Kahit nasa taas na tumitingala parin. Kaya don't lose hope. Your God is watching over you. Yes, watching, kasi he already provided what we need, and he is excited about what we are going to do with them. But it won't hurt to ask for guidance and grace. All gods, whoever each of us believe to, are graceful and kind. Kaya nga sila diyos at sinasamba. They did the planning, we do the doing. Kakapit ka lang dapat sa matatag - Hindi sa patalim. 

MAY MGA ANGHEL SA LUPA

Yes, marami po sila! May mayaman, may mahirap, may mahirap sa daga, may di mo kilala, may andyan na nuon pa. Andito sila. These are the same people na katuwang mo na nuon pa. Mga taong di mo aasahang makakatulong sayo. Mga estrangherong magbibigay ng kahit ano para makatulong. Seek and you shall find. 

MERON KA NA WALA ANG MUNDO
Importante to. You may have all the stuff in the world, but if you feel useless, you will be useless. Lahat tayo may saysay sa mundo. Meron ka na wala kami. May maiaambag ka sa eksena. Hindi pwedeng ayaw mo kung nasan ka ngayon pero tinanggap mo na lang na gang dyan kanalang at wala ng susunod na kabanata?! Di ganun brad. Ikaw ay ikaw. Hindi ka si ako. Hindi ka sila. May kakayahan IKAW na hindi magagawa ng AKO o NILA. kaya dapat, believe in yourself! Hone your skill, learn pa more, and show it to the world! Pana na kami pag wala ka diba?



TAKE A SHOT

And lastly, imaginin mo yung game 6 ng 1998 NBA Finals ng Jazz vs Bulls; Yung voted most iconic moment ng NBA history? Yung last shot ni Michael Jordan? Can you imagine if after niya ma anklebreak si Byron Russell e hindi sya tumira? Laugh trip diba? Sayang naman diba? Ikaw sa buhay mo, ilang "last shot" naba ang pinalampas mo? Ok lang sumablay, parte yun ng buhay. Ang sayang, yung gagawin mo na lang, di mo pa ginawa. 

There is always a way. Help is always on its way. You have something the world don't. Always believe in yourself. Disregard negative thoughts. Learn and equip yourself with knowledge and expertise. Do something with your life. Believe in God. Take a shot, a lot of it.

(Next issues:
LIFE Knowts: Die Young, or Live Too Long
LIFE Knowts: Applying in a Call Center / BPO Company
LIFE Knowts: Job Interview 101
LIFE Knowts: Resume' 101
LIFE Knowts: Kumikitang Kabuhayan
LIFE Knowts: Aral Muna Bago...

You may suggest topics that you would like to be covered. Don't forget to like, share and subscribe. Thank you !





Comments

Post a Comment